Friendzoned

Masakit pala sa puso ung hindi ka napapansin sa pagsisikap mo na maipakita kung ano pa ang kaya mong gawin. Hindi nabibigyang halaga na kung anong meron ka. Sa kabila ng ibinibigay mong pagmamahal ay hindi ka masuklian nang kahit kaunti man lamang. Nagsusumikap kang makuha ang pag-ibig niya pero hanggang doon na lang. Paano nga naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin? Madali lang ba gawin yun? Siguro kung sobrang simple lang gawin iyon ay matagal ko nang nasabi ang tunay kong nararamdaman. Pero hindi na maaring mangyari ang nais ko. Bukod sa hindi ko kaya ay hindi na maaari dahil ang puso niya ay pagmamay-ari na ng iba. Kaya ko bang sirain ang relasyon ng iba para sa pansarili kong kapakanan? Di ba nga wala akong karapatang masaktan kasi walang kahit anong namamagitan sa aming dalawa kundi ang pagiging MAGKAIBIGAN. >.<

Pero sa kabila nang lahat ng ito. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita at sa sandaling panahong iyon sa napangiti mo ako. 🙂

Sa paglipas ng mga araw, unti-unti kong nalilimutan ang masasayang sandali na kasama kita. Siguro nga’y hindi nakalaan ang puso natin para sa isa’t isa. Ang mga sandali bang iyon ay hindi mahalaga kaya ito’y nilimot ko na? Sa likod ng aking puso ay may bahagi pa rin ikaw ang itinitibok. Sa likod ng aking ulo ay ikaw pa rin  ang naiisip. Ang patuloy na pagwala ng alaala ng nakaraan ay mahirap na agad-agad mawala. Minsan, pinipilit kong huwag ka nang isipin pero patuloy ka pa ring tumatakbo sa isip ko. Pinasaya mo nga ba ako o pinaasa? O hindi kaya ako lang ang nag-iisip ng mga ilusyong ito. Pinagsisiksikan ko ba sarili ko sa iyo? 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s