Paligsahan sa Pag-awit. Ang pinakamasaya~ :) (Tagalog po ito)

THE VOICE OF PARE (September 21, 2013)

September 20, Friday ng gabi

Saka pa lang ako naghahanap ng piyesa ko para sa final round ng contest. Hindi ko gaanong pinagkaabalahan ang final song kasi kung hindi mo gagalingan sa battle round wala ring saysay ang final song. Sa mga nakalipas na araw puro Panalangin ang pina-practice ko. Hanap ng CD kung saan-saan. Ipi-play tapos kakantahin. Palit uli ng CD. Naiiyak na ako kasi mga luma na ang mga CD ko at halos lahat na ng mga kanta doon ay nakanta ko na. Gusto na bago, ayoko umulit. Kaya nagdasal ako sabi ko, “Panginoon, ano po ba ang dapat kong kantahin? Nalilito na ako.” Sinalpak ko ang pink na CD. Habang pinipindot ang next, natapat ito sa kantang Colors of the Wind na version ni Lea Salonga. Naalala ko ang sinabi ng nagpapa-audition sa isang contest noon na bagay sa akin ang mga kanta ni Lea Salonga. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na iyon ang piliin. Tuwang tuwa ako dahil sinagot agad ng Panginoon ang dasal ko. Yes!~

 

September 21, Saturday ng umaga

May klase kami sa Public Finance. Mamayang hapon pa kasi ang contest. Pinaalam ng mga kaklase ko sa professor namin ang tungkol sa contest na sinalihan ko. Si Prof naman ay humingi ng pabor kung pwede ko raw kantahin ang isa sa mga paborito niyang kanta na Hero ni Mariah Carey. On the spot kaya ninerbyos ako. πŸ˜€
Halatang kabado ako kasi napansin iyon ng mga kaklase ko. Tinanong ko sila kung anong itsura ko. Sabi nila hindi ako
relax at nanginginig ang mga labi ko. Totoo naman. Sobrang kabado talaga ako. Hindi maipagkakaila. πŸ˜€ Dahil bawal mag-usap habang nagkaklase, sinusulatan ko ang katabi ko. Ito ang napagusapan namin. πŸ™‚

 

WP_003293

 

Sa covered court, ginawa namin ang stage rehearsal. Noong kami na ng partner ko ang kumakanta, bigla kong nakalimutan ang linya ng kanta ko. (Ang title ng kanta namin ay Panalangin) Napahinto ako pero ang sabi ituloy tuloy lang daw. Hala! Ano na ang gagawin ko mamaya?

 

Sabado ng tanghali

Matapos kaming tipunin sa covered court ay pinagbigyan kaming kumain muna ng pananghalian dahil panigurado aabutin kami ng gabi doon. Nasa karinderya kami na kung tawagin namin ay Forest. Hindi ko na matandaan ang inorder ko. Kasama ko ang bestfriend/ classemate ko na si Rosemarie. Magkaharapan kaming kumain. Halos masuka ako sa kinakain ko. Hindi ako makalunok ng maayos dahil sa sobrang kaba ko. Pinilit ko lang kumain kasi baka pagdating doon sumakit ang tiyan ko. Ang sabi tuloy ng isang server doon, akala niya brokerhearted ako dahil naiiyak at naduduwal pa ako. HAHAHA! πŸ˜€ Sabi ni Rosemarie, relax lang daw ako at wag kabahan. Sinubukan kong ubusin pero may natira pa rin. Hehe!

Bumalik na kami sa school para mabihis at mag-ayos. Kasama ko magbihis ang 1st year student na ka-battle ko, si Ayen at bestfriend niya na si Evangeline. Nahihiya pa ako lumabas ng CR kasi naka-dress ako. Hindi ako sanay dahil bihira lang ako magsuot ng ganoong klaseng mga damit.Ang gulo ng itsura ko parang hindi tao. Lipstick at pulbo lang ata ang dala ko. Buti na lang at nandyan ang BFF kong si Abo. Siya ang nag-ayos ng buhok ko. Tinirintas niya ang buo kong buhok. Nakita namin si Camille. Siya naman ang naglagay ng foundation, lipstick at eyeliner. May isang babae na kaibigan din nila ang naglagay ng kilay at blush-on sa akin (Nakalimutan ko na ang pangalan niya e. Hehe! Thank you, girl! πŸ™‚ ) Sa kabutihan ng mga kaibigan at kaklase ko, nairaos ko rin ang pag- aayos. Sinuot ko ang wedge na sapatos na hiniram ko pa sa kapitbahay naming si Judith. Grabe! Sobrang taas ng takong. Feeling ko hindi ako makakalakad. Dahil naka-dress at heels ako, hindi naabot ang lock ng sapatos. Ang kaibigan kong si Dhana ang nagsara nito. Umupo pa siya para lang suutan ako ng sapatos. (Ang bait nya no?! πŸ™‚ ) Bago pumunta sa court nag-picturan muna kami. Hehehe! πŸ˜€ Sayang ang outfit. πŸ™‚

Pagpunta namin sa backstage sobrang daming tao na ang nagtipon-tipon. Napakaliwanag ng mga ilaw sa labas at
malakas ang tugtog. Maulan ulan dahil masama ang panahon.Β Maraming tao ang nasa backstage. Yung iba kilala ko pero yung iba hindi kasi lower year sila. Isa kasi ako sa mga matatanda doon. HAHAHA! pero 19 pa lang naman ako nun. πŸ˜€

Nagsimula na. Nabunot namin ay pangalawa sa huli. Medyo kalmado pa ako. Shini-shake ko ang kamay ko, umiinom ng tubig, nagli-lip trill/ bubble. Nang kami na ang susunod, dasal ako ng dasal na sana huwag kong makalimutan ang mga linya ko sa kanta. Masaya ako na napakaraming sumusuporta sa akin at sa ka-battle ko.

And success! Natapos din ang battle round. Buti na lang hindi ko nakalimutan. Hehe! πŸ™‚ Thank you Lord! Napagtripan pa kami ng hosts dahil pareho kaming naka-dress, para raw kaming pupunta ng binyagan. HAHAH! πŸ˜€

Nang iiaanunsyo na ang uurong sa susunod final round, sabi ko sa sarili ko na okay lang kung hindi makapasok. At lest
ginawa ko ang the best ko. Sobrang tuwa ko na ako ang napili para sa next round. Niyakap ko si Ayen. Nakapila kaming walo na uurong para sa next round.

Dasal ako ng dasal na sana huwag akong pumiyok at kabahan. Iyan ang lagi kong idinarasal dahil mas importante sa akin iyon kaysa manalo. Kung kalooban naman ng Diyos na manalo ako ay syempre magpapasalamat ako. Kung hindi naman palarin ay ayos lang naman sa akin.

Ito na! Ako na ang sunod. Ang hindi alam ng iba hindi ako nanunuod ng performance ng ibang contestant dahil ayokong ma -pressure dahil alam kong magagaling din sila. Hangga’t maaari makikinig lang ako. Napansin ko rin na nag-change costume ang ibang constestant. E ako isa lang ang dala kong damit – itong dress na suot ko. πŸ˜€ HAHAH! πŸ˜€ Hindi ko naman kasi akalain na makakarating ako sa ganito. πŸ™‚

Tumayo ako sa harap ng napakaraming tao. Nakakasilaw ang liwanag ng mga ilaw. Maulan at basa ang sahig. Kinuha host ang stand para sa mikropono. Heto na! Let’s get it on! πŸ˜€ Bago ko simulan ang kanta ko, may ibinulong ako sa sarili ko. Sabi ko, “Lord, para sa inyo itong performance ko.” Nang nagsimula na ang kanta wala akong narandamang takot at kaba. Nawala lahat nang marinig ko ang mga hiyawan at palakpakan nila. Dahil naka-stand ako, dapat makikita ang emosyon ko sa mukha at kamay. Ibinuhos ko lahat ng kaya ko. Matapos ang pag-awit ko napangiti ako ng isa sa mga hurado ay tumayo at pinalakpakan ako. Kahit hindi ko makita ang mga kaklase at kaibigan ko (dahil malabo ang paningin ko πŸ˜€ ) Nararamdan kong malapit lang sila. May hawak pa nga silang banner kaso hindi mabasa. (Alam niyo na kung bakit. HAHAH! πŸ˜€ ) Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang marinig ko ang mga magagandang komento nila. Inaasahan ko kasi na sapat lang ang matatanggap ko.

Awarding na! Kahit sinasabihan ako ng katabi ko na ako ang panalo para sa kanya, hindi ako gaanong naapektuhan kasi gusto manggaling sa mga labi ng mga host kung sino ang mananalo. Sabi ko, “Bahala na!” Nang banggitin nila ang
pangalan ko bilang nagwagi sa sobrang tuwa ko napa-YES ako! πŸ˜€ Medyo naiyak pa ako kasi ang huling contest na
napanalunan ko ay noong January 2011 pa. Nilapitan ako ng mga kaibigan at kaklase. Niyakap nila ako. Sila’y nagagalak din sa aking pagkapanalo. Kinamayan ko rin ang ibang contestant. Parang lutang ako ng mga panahong iyon. Walang mapaglagyan ang tuwa ng puso ko. πŸ™‚

Trophy

 

Uwian

Pagkauwi ko tinawagan ako ng Papa ko na magkita kami sa SM Southmall. Kasama ko mga kaibigan kong sina Janelyn,
Rosemarie at Raymond. Nang makita ko si Papa, iniabot ko sa kanya ang trophy ko. Binilhan niya ako ng cake. πŸ™‚ Kung
napansin niyo walang miyembro ng pamilya ko ang nandoon. Hindi naman sa ayaw ko silang imbitahan pero nasanay kasi akong hindi sinasabi sa kanila na may sinalihan akong contest. Nape-pressure kasi ako. Pero sana sa sunod kong kanta nandiyan sila at papanuorin nila ako. πŸ™‚

Lesson? Huwag kang sumuko. Kahit ilang contest o anong paligsahan pa ang salihan mo, hindi natatapos iyon doon. Manalo, magpasalamat. Matalo, magpasalamat pa rin. Bakit? Una, na-experience mo ang once in a lifetime opportunity. Hindi mo malalaman kung kailan uli mauulit. Pangalawa, natuto ka. Natuto kang makipagkaibigan at makisalamuha. Natuto kang tanggapin ang mga bagay na maaaring hindi maganda ang kahihinatnan. Natuto ka na maghanda. Maganda ang surpresa pero kung ako ang tatanungin mas maganda na pinaghandaan mo ang laban mo. Pangatlo, huwag mong kakalimutang tumapak sa lupa. Hindi porket nanalo ka e ipagyayabang mo. Tandaan: Laging may mas magaling sayo siguro hindi mo pa nakikilala. Panghuli, magpasalamat tayo sa Panginoon na Siyang nagbigay ng talento at lakas ng loob. πŸ™‚

 

Yun lamang. Maraming salamat sa pagbabasa! πŸ™‚

To God be the glory~

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s