Magulang

Sa lahat ng ginagawa ko dapat sila ang unang nakakaalam. Sa bawat galaw ko sila ang gumagabay sa akin. Sa desisyong pinanindigan ko sila ang sandalan ko. Sino nga ba ang tinutukoy kong ‘sila’? Wala nang iba kundi ang aking mga magulang.

Hindi ko alam pero kapag pinag-uusapan na ang mga magulang ko, masyado akong emosyonal. Siguro nga’y sobrang mahal na mahal ko sila na dumating na sa puntong nasabi ko na “Hindi ko kayang mabuhay na wala sila.”
Sila ang inspirasyon ko. Sila ang totoong humahanga sa akin. Isa sila sa mga dahilan kung bakit masaya ako sa mundong ibabaw. Isa sila sa mga dahilan kung bakit ako nasusumikap. Sila rin ang dahilan kung bakit hindi kailangang malungkot. Napakaraming bagay sa buhay ko ang naiambag nila na humubog sa pagkatao ko.
Ewan ko kung ganito rin ang nararamdan niyo. Iyong pakiramdam na sa lahat ng pagsisikap mo, makita mo lang sila na masaya at nakangiti buong-buo na ang araw mo. Dinaig mo pa ang nanalo sa lotto sa saya. Hindi mo man maipakita na sobrang nagagalak sa mga papuri na binitawan nila pero sa loob-loob mo humihiyaw ito sa tuwa.
Minsan sila’y naglalambing. Tayo naman ay pakipot at nahihiya sa ginagawa nila. Pero siguro nagpapakita lang sila ng pagkatuwa at pagmamahal sa kanilang mga anak.
Bakit nga ba sobrang halaga nila sa atin? Bakit ba sobrang mahal natin sila?
Hindi ko man masabi nang harapan kung gaano ko sila kamahal, basta ang alam ko lang, sila ang PINAKAMAMAHAL KONG MAGULANG ♥ ⌒.⌒

familycartoon

-TseriXXI

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s