Pangarap kong gampanan…

Matagal ko nang mga idolo sina Regine Velasquez, Mariah Carey, Whitney Houston, Lea Salonga. Kapag tinanong mo nga ang mga biriterang mang-aawit, panigurado mababanggit nila ang isa sa kanila.

Isa sa mga matagal ko nang pangarap ay maging isang mang-aawit. Kahit nga sa autobiography ko noong elementary at high school, laging karugtong ng kursong gusto ko ay ang nais kong maging singer din.

Noong pumasok ako sa kolehiyo nasabak agad ako sa isang kompetisyon kasama ang aking mga ka-eskwela sa buong kolehiyo. Nagmula ang mga kalahok sa iba’t ibang kurso. First year college pa lang ako noon. Baguhan pero hindi nagpadaig. Medyo sapilitan pa nga ang pag-audition ko kasi hindi ako handa.

Kasama ko ang aking kaklase na babae. Sabay kaming nag-audition pero nauna siyang tawagin. Nang ako na ang tinawag kumanta na ako agad. Ang napili kong kanta ay I’ll Never Love This Way Again na version ni Regine Velasquez. Matapos kong kumanta ay biglang sinabi sa akin ng isa sa mga nagpapa-audition ay mas bagay raw sa akin ang mga kanta ni Lea Salonga. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi yun pero tinandaan ko na lang din.

Habang tumatagal ay napapansin kong mas akma nga sa boses ko ang mga kantang hindi sobrang matataas at birit. Sinubukan ko ang mga kantang pang-Disney, musical at kung ano-ano pa na may kinalaman kay Ms. Lea Salonga. Hindi ako binigo ng mga kantang ito dahil mas lalong lumabas ang lahat ng emosyong nasa loob ko. Pakiramdam ko ay nagkukwento ako habang umaawit.

 

Fast forward to March 12, 2016

Nalaman ko na may audition ng Miss Saigon 2016 sa Pilipinas. Sa tulong ng Facebook, nakita kong malapit na pala ang registration at audition process. Ang tagal kong pinagisipan kung tutuloy pa ako kasi (1) may pasok ako sa trabaho, (2) malayo ang Makati sa bahay namin, at (3) wala akong kasama mag-audition kung sakali.

Sa mga araw na lumipas ay ni-research ko kung paano pumunta sa Bautista St., Makati City. Balak ko talagang pumunta mag-isa at hindi ko ipinaalam sa magulang ko ang plano kong ito. Pero sa kabila ng pagtatago ko ay nalaman din nila dahil kailangan kong magpaalam bago umalis ng bahay. Sinamahan ako nila Mama, Papa at 3na sa registration. Buti na lang kasama ko sila kasi kung hindi, nagkandaligaw ligaw na ako. Hahaha!

Registration process pa lang kinabahan na ako. Paano pa kaya kung mismong audition na. Haha! 😀 Thank God nakuha ko rin ang katunayang kasama ako sa audition process.

PicsArt_03-16-05.32.42

Yehey! Got my audition stub 🙂

 

March 16, 2016

The day has arrived!

Heto na! Sobrang kabado ako kasi ako lang bumiyahe mag-isa. Muntik pa akong hindi umabot sa call time kasi hindi alam ang sasakyan kong bus sa Baclaran. Pero sa kabutihang palad ay natanaw ko ang bus na dadaan sa Leveriza. Haha! Thank you po Lord!

Nakarating ako sa Opera Haus ilang minuto bago ang 11 am.

PicsArt_03-16-05.34.06

I’m here!

Ito ang mga kuha ko habang hinihintay na ang batch na namin ang tawagin.

PicsArt_03-16-05.33.28PicsArt_03-16-05.32.07PicsArt_03-16-05.31.29PicsArt_03-16-05.30.06PicsArt_03-16-05.28.16PicsArt_03-16-05.27.21

Meeting new friends

Masasabi kong hindi ako nag-iisa dahil may mga nakilala akong mga bagong kaibigan. Ang una ay si Ate Melanie.

PicsArt_03-16-05.30.41

Meet Ate Melanie 🙂

Noong una kong kita sa kanya ay akala ko na 16 years old lang siya. Ang bata niya tignan sa personal. Pilipino siya pero English speaking (Medyo nosebleed ako. Haha!) Sobrang bait niya at very positive. Hanggang ngayon ay may komunikasyon kami sa pamamagitan ng Instagram. 🙂

Ang pangalawa kong kaibigan ay si Alex.

PicsArt_03-16-05.28.54

Hi Alex! 🙂

Ang cute ng batang ito. English speaking din. Haha!  Nakasuot pa siya ng costume ni Kim ng Miss Saigon. Sayang hindi ko nakuha ang Facebook or Instagram account niya. Pero sana magtagpo uli ang mga landas namin.

This is it!

Nang ako na ang pinapasok, sobrang kaba ko. Haha! Binati ako ng dalawang hurado. Hindi ko sila gaanong nakita kasi hindi ko suot ang salamin ko (nearsighted ako). Bigla na lang tumugtog ang piyanista at kumanta ako nang buong puso. And the rest is history.

Ang saya ko.Sobrang saya. Isa ito sa mga desisyong hindi ko  pinagsisisihang gawin. Sabi ko nga, baka hindi na maulit ito kay gagawin ko na. Ayokong magsisi sa huli. Basta ang alam ko ay sumubok ako at hindi ako natakot.

Naging malaki ang bahagi ng Miss Saigon Auditions sa pagiging mangaawit ko. Hindi man ako pinalad ay alam kong naging bahagi ako sa isang pambihirang at napakagandang proyekto na ito. Maipagmamalaki kong sumubok ako at tinupad ko ang isa sa mga pangarap ko.

Sana ay Pilipino ang makuha nilang Kim, Gigi at iba pang Asyanong karakter. Napakagaling ng mga Pilipino. Sobrang hanga ako sa mga talentong pinakita nila.

 

Sana dumating ang araw na makakanta at makaarte ako sa taas ng entablado. 🙂

 

 

 

Advertisements

3 thoughts on “Pangarap kong gampanan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s