Anak, mahal kita. Saan ba ako nagkamali?

Nakakalungkot na may mga anak na hindi marunong rumespeto at tumanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang. Sa kabila ng pagsisikap nila para may maipakaing masarap, may maipasuot na damit, mabigyan ng komportableng buhay at maitaguyod ang pag-aaral. Nakakalungkot na may mga anak na nanunumbat sa mabuting ibinahagi ng kanilang magulang.

Isang araw, may malapit sa aking isang ina na halos kaibigan at magulang ko na rin dahil hindi nalalayo ang edad niya sa magulang ko. LUNES. Napansin kong namumugto ang kaniyang mga mata. Tinanong ko siya kung may nangyari hindi maganda. Ngumingiti lang siya at sinabing hayaan na ito. Hindi ko siya pinilit na magkwento dahil alam kong mahirap pa ito para sa kanya. MARTES. Binalikan ko siya upang kumustahin. Mukhang nag-aalangan pa siyang ibahagi ang kanyang kwento pero hindi siyang nag-atubiling sabihin din ito. Nalaman kong nasa loob ng kanilang tahanan ang problema. Ang asawa at kaniyang mga anak ang nagdulot ng kapighatian sa kanyang puso. Umiyak siya. Wala akong magawa kundi sabihing huwag na siyang umiyak at malalagpasan niya rin iyan. Siguro ay hindi sapat ang mga salitang ito para humupa ang kalungkutang nararamdaman niya.  Nakakalungkot na makita na sa kabila ng pagsisikap niyang magtrabaho upang may maitulong sa pamilya ay  nagiging dahilan pa ito para isumbat sa kaniya.

Hindi pa ako magulang pero isa akong anak. Alam ko kung ano ang mga bagay na ikinakagalit ng aking mga magulang. Sa mga maling gawain ko ay itinatama nila. Natuto akong aminin sa sarili ko na nagkamali ako at huwag nang ulitin ito para hindi sumama ang loob ng aking mga magulang.

Ano nga ba ang nararamdaman ng isang magulang? Linggo ng gabi ay masama ang pakiramdam ng aking kapatid. Dahil umaga ang kanyang pasok, napagdesisyunan kong magsaing noong gabi na iyon para kinabukasan ng Lunes ay babaunin na lang niya ito. Kinabukasan ay nagising ako. Sinabihan ko ang kapatid ko na magbaon siya ng kanin na sinaing ko. Ang sinabi niya ay huwag na, sa eskwelahan na lang ako kakain. Naiinis ako ng mga oras na iyon dahil minsan ko lang ito gawin at tinanggihan niya pa ito. Masakit pa lang hindi nabibigyang halaga ang pagpapakita mo ng pag-aalala sa kanila. Bigla kong naalala ang mg magulang ko. Ganito siguro ang nararamdaman nila pero hindi lang nila ipinapakita. May mga panahon noon na ganito rin ang ginawa ko ngunit sa ibang paraan naman. Sa pagsusumikap nilang maibigay sa amin ang kaginhawaan ng buhay ay nakakalimutan na nila ang kanilang sarili at pagtuloy ang pag-iisip para sa kinabukasan namin.

Naalala kong sinabi ng ama ko noong sinagot siya nang pabalang ng kapatid ko, “Hindi pa pala ako nagtagumpay sa pagiging magulang.” Nasakatan ako ng maring ko ang mga katagang iyon dahil alam kong sa sarili ko na may pagkukulang sila pero hindi naman nila kami pinabayaan bagkus ay ibinigay ang kanilang magagawa at obligasyon bilang magulang. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang nahihirapan sa kanilang trabaho. Nasasaktan akong kahit pagod na sila sa trabaho ay patuloy pa rin nilang ginagampanan ang pagiging magulang sa loob ng bahay.

Isang gabi, habang nanunuod ako ng telebisyon. Biglang nagsalita ang aking ama. “Gusto ko kayo maging successful.”, wika niya. “Ano ba sa iyo ang pagiging successful?”, tugon ko. “Magkaroon kayo ng magandang buhay. Makalipat kayo ng tirahan.”, sabi niya. Alam kong gusto niya maginhawa ang aming buhay. Yung tipong hindi na namin iisipin kung ano at saan kukunin ang kakainin bukas. Ang pagkabigo ng ilang magulang noon ay nais mapagtagumpayan ng kanilang anak ngayon.

Sana ay maisip ibang mga anak ang ipinapakitang pagmamahal ng kanilang mga magulang sa kanila. Hindi man ito sa materyal na bagay o hindi man tuwirang ipinapakita ay mabigyang halaga ito ng mga anak. Ang nais lang naman ng bawat magulang ay maging maganda ang buhay mo at huwag mapariwara. Walang magulang ang naghangad ng masama para sa kanilang anak. 

Credits to: www.mindfulpolicygroup.com for the photo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s